Thursday, October 6, 2011

Ate Glenda: Yugto 4


Isang sabado ng umaga ay nakita ko sina kuya Jerry at ang basketball team nakabihis. Agad ko sila pinuntahan at tinanong ko saan sila pupunta, dadayo daw sila sa ibang lugar. Dumiretso na sila umalis at galit na galit ako pagkat di nila ako sinama. Naglakad ako pabalik sa bahay at nang papasok ako ay may sumitsit sa akin. Paglingon ko ay si ate Glenda, biglang bumillis ang tibok ng puso ko pagkat matagal ko na syang di nakikita at parang gumanda sya lalo sa bagong gupit nya. Nilapitan ko sya agad at kinumusta, bigla nya sinabi na “may gagawin ka ba?” at agad kong sinagot na “wala po sabado ngayon e”. “Gusto mo ako samahan sa bahay mamaya? Wala ako kasama, pumunta sila probinsya” sabi nya sa akin. Gustong gusto ko talaga pero inisip ko na baka hindi ako payagan ng magulang ko. “Subukan ko magpaalam ate, kung payagan ako punta ako sa inyo” sabi ko sa kanya at dumiretso na sya sa kanila. Agad ako pumasok sa bahay at sinubukan ko magpaalam sa tatay ko na makikitulog ako sa barkada. Akala ko ay di sya papayag pero pumayag naman sya kaya tuwang tuwa ako agad na nagbihis. Nagpaalam na ako na aalis na ako at dumiretso na ako sa bahay ni ate Glenda. Buti nalang magkakalayo ang mga bahay sa lugar namin, lumingon ako sa paligid kung may tao pero wala, lumapit na ako sa pinto ng bahay ni ate. Kumatok ako sa pinto, isang minuto na at wala pang nagbubukas ng pintuan. Sinubukan ko ulit kumatok mas malakas ngayon baka kako hindi nya marinig. Nagbukas ang pinto ng konti at sumilip si ate Glenda. “ha, sabi ko mamaya, ang aga mo naman” sabi nya sa akin. Nag init bigla ang mukha ko kaya sabi ko nalang ay “sige ate balik nalang ako mamaya” at tatalikod n asana nang buksan ni ate Glenda ang pinto. Nagulat ako at nakabalot lang sya ng twalya at napatitig lang ako sa kanya. “O pasok na dali” sabi nya sa akin at agad naman ako pumasok sa bahay nila.